Game mode 01: Asymmetrical PvP
Sa seksyong ito, ipinakilala namin ang unang kalakaran ng larong Rooster Battle. Sa araw ng paglabas ang kalakarang ito ay ipapadala kasama ng laro.
Batalha dos pesos-penas - PvP
Tinawag namin ang unang kalakaran ng larong Rooster Battle na "Asymmetrical PvP" na laro. Maaari mong piliing sumali sa larangan ng digmaan bilang "Camper" o "Challenger". Depende sa posisyon na iyong pinili, mayroong pakinabang at di kapaki‐pakinabang sa bawat posisyon.

Camper

Maging isang Camper, ibig sabihin nito ay ipadala mo ang iyong tandang sa digmaan at "magkampo" doon. Maaaring mahanap ng isa pang manlalaro ang iyong tandang sa kampo, at atakihin ito habang malayo ka sa keyboard. Kapag naging camper ang tandang, hindi mo siya magagamit para labanan ang ibang manlalaro. Kung gusto mong baguhin ang iyong tandang, kailangan mong bawiin (‘’recall”) siya mula sa digmaan.
Enviando um Rooster para o campo de batalha
  • Ang papremyo mula sa bawat labanan ay awtomatikong idaragdag sa iyong imbentaryo.
  • Ang bawat manlalaro ay limitadong maglaro ng 5 laban bilang Campers bawat araw.
Mga kalamangan sa paglalaro bilang Camper
Ipunin ang iyong oras: Ang Camper na kalakaran ay para sa mga manlalaro na walang gaanong oras na gugugulin sa laro. Maaari mong ipadala ang iyong mga tandang sa digmaan, isarado ang laro, gawin ang iyong mga trabaho, at bumalik isang araw upang mangolekta ng gantimpala.
Mga hindi kalamangan sa paglalaro bilang Camper
Karamihan ng laban mo ay matatalo: Ang paglalaro bilang Camper ay nangangahulugang ibinubunyag mo ang estratehiya ng iyong aytem, at ang istatistiko ng iyong tandang sa ibang mga manlalaro. Ang sinumang may mataas na antas ng estratehiya ay madaling makalkula ang tsansa ng kanilang panalo, at makisali sa laban kung tiyak ang tsansa nito, o maiwasan ang pakikipaglaban kung kabaliktaran. Gayunpaman, huwag mag‐alala, kumikita ka pa rin ng EXP at RICE kahit natalo ka sa labanan.

Challenger

Ang ibig sabihin ng paglalaro bilang isang Camper ay ang makahanap ka ng isa pang Camper sa larangan ng digmaan, at labanan sila.
Jogando como um Challenger
Ang paglalaro bilang isang Challenger ay nangangahulugan na kailangan mong hanapin ang Camper sa larangan ng digmaan, at labanan sila. Kapag nakikipaglaban sa isang Camper, malalaman mo ang kanyang mga istatistika at estratehiya ng kanyang aytem. Kaya, ihahanda mo ang iyong sariling estratehiya upang manalo nang naaayon. Ang pakikipaglaban sa isang Camper ay ie‐encrypt ang impormasyon ng resulta ng labanan sa blockchain, na nangangahulugang bawat laban na iyong lalaruin bilang Challenger, kailangan mong bayaran ang gaas para sa laban na iyon.
Ang bawat manlalaro ay maaari lamang maglaro ng hanggang 5 laban bilang Challenger bawat araw.
Mga kalamangan sa paglalaro bilang isang Challenger
Ikaw ang kadalasang mananalo: Alam mo ang istatistika ng kalaban bago mo siya labanan. Maliban nalang kung ikaw ay napakahina sa pagkalkula, ikaw ay a mananalo sa bawat laban na iyong lalaruin.
Mga hindi kalamangan sa paglalaro bilang isang Challenger
Hindi ka maaaring malayo sa keyboard. Ang paglalaro bilang isang Challenger ay nangangailangan na ikaw manatiling online kapag nakikipaglaban.

Buod

Ang bawat tandang ay maaaring maglaro bilang Camper o Challenger limang beses sa isang araw . Kaya, ang pangunahing istratehiya upang mapalaki ang iyong kita ay: Gamitin ang iyong tandang upang hamunin ang limang laban, pagkatapos nito, ikampo siya, at maghintay hanggang sa susunod na araw, bumalik at kolektahin ang mga resulta.
Copy link