Rooster Battle Whitepaper
Search…
⌃K

Mula sa Nangungunang iOS App sa taong 2013

Ang larong ROOSTER BATTLE ay lumitaw sa taong 2013
Ang Rooster Battle ay nagsimula sa Vietnam bilang isang larong mobile na tinatawag na "Gà Chiến" (Gà = cock; Chiến = fight). Ang larong ito ay produktong gawa ng isang game studio na itinatag ni Nguyen Khanh Duong ("nkduong") sampung taon na ang nakalipas.
Ng mga panahong iyon, ang larong mobile sa Vietnam ay hindi pa pamgkaraniwan. At walang larong sabong dahil ito ay ipinagbabawal alinsunod sa polisya ng Apple App Stores.
Kaya nailathala namin ang Gà Chiến sa jailbreak app store at naghintay sa tugon ng komunidad.
Ang larong ito aypumalo ng malakas!
Na‐download ito ng daan‐daang libong beses mula sa jailbreak store at naging pinakana‐download na aplikasyon sa Vietnam noong taong 2013.
Kahit na ang "Gà Chiến" ay panrehiyon (tuon sa Vietnamese) na larong mobile; nakatanggap kami ng maraming sulatroniko mula sa Pilipinas, Brazil, Portugal, atbp. na humihingi ng bersyong internasyonal. Ayon sa kanila ang "Gà Chiến" ay kauna unahang laro sa mundo na nakatuon sa sabong.
Kaya sa pagtatapos ng 2013 sinimulan naming magtrabaho para sa Ingles na bersyon ng Gà Chiến. Tinawag namin itong "Rooster Battle."