Comment on page

..sa isang inabandunang proyekto.

Bakit hindi nagtagumpay ang unang bersyon ng Rooster Battle?
Lahat ay nasabik, ng aming ianunsyo ang Rooster Battle sa mundo. Gumugol kami ng apat na buwan upang mabuo ang larong ito.
Ng mga panahong iyon, hindi pa sikat ang HTML5, kaya ang nalalabi naming pag‐asa ay makapasa sa patakaran ng Apple at ilabas ang larong ito bilang isang katutubong aplikasyong mobile. (Noong 2013, hindi pa masyadong sikat ang Android Play Store, at katapusan na kung hindi mo ito maipakita sa Apple App Store.) Ang bersyon ng pagsubok sa beta ay nilalaro ng mga mahilig sa sabong sa buong mundo. Nakuha namin ang puna at alingasngas mula sa komunidad
Ngunit sa kasamaang palad, kami ay permanenteng tinanggihan ng Apple. Ayon sa kanila, ang sabong ay nakakapinsala sa isang hayop; kaya magpakailanman ay hindi nila tatanggapin ang sabong sa Apple.
Dahil walang kakayahan na magamit sa Apple App Store, hindi namin makumbinsi ang mga namumuhunan na mamuhunan sa aming proyekto. Na naging dahilan ng pagkatagil ng proyektong ito.
Sa pagkabigo ng Rooster Battle, umalis ako sa aking istudyong panlaro.
Nagsimula akong bumuo ng sariling serye ng komiks kasama ang aking mga kaibigan, at pagkatapos ay itinatag ang Comicola, na naging isang matagumpay na kumpanya ng komiks sa Vietnam.
Sa kabila ng maraming taong lumipas, nakakatanggap pa rin ako ng mga mensahe mula sa iba’t ibang tao sa buong mundo, na nagtatanong tungkol sa Rooster Battle.
Ako’y nakaksigurado na ang Rooster Battle ay mababaon sa limot atsusubuking kalimutin ang proyektong ito sa loob ng kalahating dekada.
Hanggang sa katapusan ng nakaraang taon.